Kapalaran sa Paa
Last Part
11---Hindi magandang indikasyon ang mahabang middle finger sa paa. Kagipitan sa pera at hadlang sa pag-asenso ang mararanasan.
12---Kung ang pangalawang daliri sa paa (katabi ng hinlalaki) ay mas mahaba sa hinlalaki, ikaw ay mabait, maraming kaibigan, maraming pera ngunit gastador.
13---Kung ang paa ay maliit—sa lalaki ay 6 at sa babae ay 5 or below—ingatan ang ilong at breathing system. Seloso ang taong maliliit ang paa.
14---Kapag reddish ang kuko, ikaw ay yayaman. Kung gray, paghihirap. Kung milky white, stable ang buhay.
15---Ang malalaking daliri sa paa ay indikasyon na mahusay mamuno ng tao ngunit matigas at mainitin ang ulo.
16---Kung mataba ang mga daliri, siya’y susuwertehing magkaroon ng maraming ari-arian.
- Latest