Pagiging Magulang - Ang pagiging magulang ay nakakaapekto rin sa inyong sexual activity. Mahirap ganahan sa sex kung may sanggol o batang katabi sa pagtulog. Subukang turuan na matulog sa sariling kuwarto o sariling higaan ang anak. Kung hindi naman ay kumuha ng magbabantay sa anak para magkaroon ng privacy. Puwede ring gumawa ng schedule sa pagse-sex kapag tulog ang bata o kapag nasa labas ng bahay ang mga bata.
Gamot - May mga gamot na puwedeng maging sanhi ng pagkawala ng libido. Ito ay mga antidepressants, gamot sa blood pressure, antihistamines, oral contraceptives, chemotheÂrapy, anti-HIV drugs, inasteride, at synthetic progesterone-medroxyprogesterone. Maaaring makatulong ang pagpapalit ng ibang gamot o baguhin ang dosage para maayos ang problema. Kung may pagbabago sa inyong sex drive kapag binigyan ng bagong gamot, kausapin ang inyong doctor. Hindi dapat itigil ang gamot na hindi isinasangguni sa iyong doctor. Itutuloy
Hindi magandang body shape - Minsan bumaÂbaba ang self-esteem kung hindi maganda ang katawan. Kung sa pakiramdam mo ay hindi ka sexy, minsan ay nakakasira ito sa iyong sex drive. Minsan nahihiya ka dahil pakiramdam mo ay mataba ka at minsan ay nakakawala ito ng ‘mood.’ Kung sa tingin mo ay ganito ang pakiramdam ng iyong partner, makakatulong kung iparamdam sa kanya na sa paningin mo ay sexy pa rin siya. Subukan ring mag-workout para tumaas ang self-esteem na magpapataas din ng sex drive.
Obesity - Kung ikaw ay overweight o obese, mahirap mag-enjoy sa sex. Mahirap magkaroon ng sexual desire at siyempre mahihirapan ding ‘mag-perform’. Hindi malaÂyong bumaba ang self-esteem, magkakaroon ng problema sa karelasyon, social stigma at iba pang psychological issues kapag mataba. Mag-exercise, mag-diet, yun lang ang solusyon.
Erectile Dysfunction - Kung may erectile dysfunction (ED), siguradong apektado ang sex life. Ang ED ay iba sa pagkawala ng libido na ang ibig sabihin ay pagkawala ng sex drive). Ang mga lalaking may ED ay nag-aalala palagi sa kanilang magiging performance sa sex kasi nga kung hindi man mahirap magkaroon ng erection ay mahirap i-maintain ang erection. Dahil dito, nawawalan ng gana sa sex. Komunsulta sa doctor ukol sa problema sa ED. (Itutuloy)