Nakatutuwang pamahiin sa mga sanggol...

Narito ang mga kakaibang pamahiin mula sa iba’t ibang bansa tungkol sa mga sanggol na bagong panganak ng kanilang mga ina:

Para sa mga Filipino – Kung gusto mo naman daw na maging matalino ang iyong anak, dapat na humanap ng isang matalinong tao at sa kanya ipagupit ang buhok ng sanggol sa unang pagkakataon at saka iipit sa pahina ng diksiyunaryo ang buhok nito.

Para sa mga Intsik – Para sa kanila, ang unang bagay na hahawakan ng sanggol ang magsasabi kung ano ang kapalaran nito sa kinabukasan. Kung gusto mo naman na maging magaling sa pagsasalita ang iyong anak, magluto ng dila ng manok at saka ito ikuskos sa kanyang labi.

Para sa mga taga-Germany – Ang batang tatagilid sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan sa unang pagkilos nito ay isang batang walang ingat sa pagkilos at dadalhin niya ito hanggang sa kanyang pagtanda.

Para sa mga taga-Mexico – Kailangan mong hawakan ang sanggol kung bibigyan mo siya ng komplimento o magandang salita dahil kung hindi, siya ay magkakasakit.

Para sa mga taga-Malaysia – Hindi dapat pumatay ng kahit na anong hayop ang inang bagong panganak, dahil kung hindi ay makukuha ng kanilang sanggol ang itsura ng hayop na kanyang pinatay.

Para sa mga taga-Poland – Hindi maaaring maglakad ang babaeng buntis sa ilalim ng hagdan dahil magiging sobrang maliit ang kanyang anak.

(mula sa www.yahoo.com)

Show comments