Alam n’yo ba na sa kasaysayan ang unang kinilala bilang pinakabatang ina ay si Lina Medina ng Peru noong 1939? Nagluwal siya ng sanggol na lalaki na 6 ½ pound ang bigat. Si Lina ay limang taong gulang at pitong buwan ng ipinanganak niya ang bata. Ipinagtapat lang sa kanyang anak ang katotohanan noong ito ay 10-taong gulang na. Ang pinakamatandang nanay naman na nanganak ay si Satyabhama Mahapatra, na nagsilang ng sanggol nang siya ay 65-anyos na. Matapos ang 50-taong pagsasama ay saka lang sila nagkaanak ng kanyang mister.