Sex drive killers

Kumusta naman ang inyong sex life?

Dry?

Walang gana?

Walang ‘spark’?

Dumadating talaga sa ganitong punto ang mag-partner.

Iba’t-ibang physiological at psychological factors na makakaapekto sa inyong libido.

Ngunit hindi ito ang katapusan ng inyong relasyon dahil may solusyon.

Ngunit una ay tukuyin muna natin kung anu-ano ang mga sex drive killers na ito.

Narito ang listahan ng sex drive killers  at posibleng mga solusyon ayon sa medicinenet.com.

Stress

Kapag nai-stress, hindi lang ang isip at kalusugan ang apek­tado kundi pati na rin ang sex life. May mga taong mas nagiging epektibo sa kanilang ginagawa kapag under presasure o under stress. Ngunit mahirap maging sexy, ma-excite, magkaroon ng interes sa sex o ‘makapag-perform’ kapag nai-stress. Ang stress sa trabaho, problema sa pera, may sakit sa pamilya at iba pang sanhi ng stress ay nakakaapekto sa libido. Iwasang ma-stress. Subukang solusyunan ang mga problema. Mag-aral ng stress management techniques.

Issues

Karaniwang panira sa sex drive ang isyu sa partner o may isyu ang partner mo sa iyo. Sa mga babae, ang emotio­nal closeness ay panguna­hing sangkap para magising ang kanilang sexual desire. Kung may hindi mapagkasunduan, kulang sa communication, pagsisinungaling o pagsasalawahan at iba pang nakakasira sa inyong intimacy, walang mangyayari sa inyo sa kama. Sikaping pag-usapan at resolbahin kung ano man ang problema.

Alcohol

Sabi nila, kapag uminom ng kaunti, nawawala ang inhibitions sa sex pero hindi ganito minsan ang nangyayari. Ang iba, imbes na magkaroon ng mood para sa sex ay nagiging manhid ang pakiramdam. Minsan nawawalan din ng gana sa sex ang partner kapag naka-inom ka. Turn-off kasi makipag-sex sa amoy alak. Parang ganito rin sa recreational drugs. Drink moderately.

(ITUTULOY)

Show comments