Last Part
Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano ka magiging mabuting kaibigan at kung paano mo maibabalik ang tiwala niya sa’yo sa oras na nagawan mo siya ng hindi maganda o masama.
Harapin ang resulta ng iyong ginawa – Aminin mo sa iyong kaibigan na handa mong tanggapin ang anumang konsekwensiya ng iyong ginawang pagtataksil sa kanya sa pamamagitan ng pagkakalat ng kanyang sekreto. Dahil dito ay kailangan mo siyang bigyan ng sapat na panahon at lugar para mag-isip kung ipagpapatuloy pa niya ang kanyang pakikipagkaibigan sa’yo o hindi na. Kung maaari ay tapat kang mangako sa kanya na hindi mo na uulitin ang ganitong uri ng gawain.
Igalang ang reaksiyon ng iyong kaibigan – Dapat mong ihanda ang iyong sarili sa anumang reaksiyon na ibibigay sa’yo ng iyong kaibigan. Posibleng magalit siya at hindi ka na tuluyang kibuin. Ngunit wala ka pa rin sa posisyon upang magpakita rin ng galit dahil ikaw ang nagkamali.
Ibalik ang dignidad – Hindi mo maisasaayos ang gusot na iyong ginawa kung hindi mo babaguhin ang iyong pagiging tsismosa/ intrigera. Kaya dapat mong kontrolin ang iyong bibig, lalo na kung nasa gitna ka ng kumpulan ng mga tsismosa. Bakit hindi mo isigaw sa iyong isipan ang salitang “STOPâ€, para patigilin ang iyong sarili sa pagkakalat ng tsismis?