ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na sa Grand Saline, Texas ginawa  ang pinakamalaking peanut butter and jelly sandwich noong Nobyembre 2010? Ito ay may bigat na 1,342 libra. Si Caleb D. Bradham  ang gumawa ng Pepsi Cola. Siya ay isang pharmacist sa New Bern, Carolina. Naimbento niya ang nasabing inumin noong 1898. Ang isang 12-ounce na Pepsi ay nagtataglay ng 39mg ng caffeine.  Pinaniniwalaang nagmula sa Asia ang sibuyas. Noong 3500 BC., ang sibuyas ay pinaniniwalaang hindi nabubulok tuwing panahong ng niyebe o winter. Hindi lang basta pagkain ang turing ng mga tao sa Egypt noong unang panahon. Dahil ginawa pa nila itong diyus-diyosan. Naniniwala kasi ang mga taga Egypt noon na dahil sa hugis bilog nito, sumisimbolo ito ng panghabambuhay o eternity. Dahil dito gumawa pa sila ng gintong sibuyas na kanilang sinamba. (mula sa www.foodreference.com)

Show comments