Prediksiyon base sa Nunal (3)

Nunal sa kanang puwet—Kadalasang malikhain at nagiging artist.

Nunal sa kaliwang puwet—Maghihirap sa buhay.

Nunal sa kahit anong sides ng pisngi—Seryoso sa buhay, masipag mag-aral at hindi mahilig sa luho at lakwatsa.

Nunal sa kanang pisngi—Mapagmahal sa magulang at asawa. Yayaman at may mahabang buhay.

Nunal sa kaliwang pisngi—Arogante at la­ging napapaaway. Ngunit pagtanda niya, magiging tahimik at maligaya ang buhay dahil sa kanyang mga anak.

Nunal sa gitna ng baba—Mapagmataas. Magtatagumpay sa tulong ng ibang tao.

Nunal sa right side—Madiplomasya. Magaling magsalita at magkumbinsi ng ibang tao. Masuwerte sa hanapbuhay. May panahong sisikat siya.

Nunal sa left side—Prangka, mahilig makipagtalo. Gastador. (Itutuloy)

 

           

 

 

 

Show comments