Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang gatas ng Giraffes ay pitong beses na mayaman ang protina kumpara sa gatas ng baka? Ang kanilang puso ay may bigat na 25 libra o 11.4 kilo. Ang kanilang blood pressure ay apat na beses na mas mataas kaysa sa tao. Pero, hindi sila nagkakaroon ng alta presyon dahil mayroong kakaibang valve sa leeg ng mga giraffe para mapigil nito ang mabilis na daloy ng dugo patungo sa kanyang ulo. Nanganganak ang giraffe sila na nakatayo.
Naniniwala naman ang mga Mexicans na mapanganib sa isang babaeng nagdadalantao ang tumingin sa isang bear o oso sa zoo dahil malaki ang posibilidad na maging kamukha nito ang sanggol sa loob ng kanyang tiyan. Hindi naman nagsusuklay ang mga babaeng eskimo sa araw na mapatay ang isang bear. Ang lahat ng bear ay left-handed o kaliwete.
(mula sa www.learnenglish.britishcouncil.org)
- Latest