NAKARAMDAM ng panganib si Richard, pinaarangkada na ang kotseng dala-- sakay si Wendy. BRRUUUMMM.
Pero hinabol sila ng mga bala ng lalaking bagong dating. PRAK-KATAK-KATAK-KATAAKK.
Nagtitili si Wendy, kilabot na kilabot. “Eeeee! Eeeee!â€
Halos mabangga ang kotse ni Richard sa pagtakas, napakabilis ng takbo sa madilim na daan.
“Richard, merong stalled vehicle! Walang ilaw!â€
“Oh my God! Aaaaahhh!â€
Muntik na silang sumalpok, ga-hibla ang naging pag-iwas ng kotse ni Richard. “Siyet! Siyeeettt!â€
“Sino ba ang namaril sa’tin?â€
“Wendy, tiyak na kalaban! Alangan namang kakampi ko, di ba?â€
“Huwag kang mang-insulto, Richard! Paano kung ako ang tinamaan? Jeez, wala akong kaalam-alam sa raket mo! Mapapatay pala ako nang walang kalaban-laban!†Galit na galit si Wendy sa boyfriend.
“L-ligtas na tayo…pansamantala. Hindi tayo nasundan, Wendy.â€
Sa town house ng material girlfriend itinuloy ni Richard ang kotse. “Baba, dali!â€
“Bakit dito sa bahay ko, Richard? Inilalagay mo ako sa panganib!â€
Pinayapa ng binata ang nobya. “Hindi nila alam ‘tong bahay mo, Wendy. Una nilang mamanmanan ang tirahan namin ng parents ko…â€
Napantastikuhan ang dalaga. “What? Okay lang sa ‘yo na ang parents mo naman ang maÂnganib…?â€
“I didn’t say that. Ang sabi ko, mamanmanan nila ang bahay namin—not necessarily mamamaril sila sa parents ko…â€
Napapailing ang dalagang materyosa. Nagkulong agad sila sa loob ng bahay, malayo sa mga bintanang de-salamin.
Ibinilin din ni Wendy sa gate guards na huwag magpapapasok ng mga taong naghahanap sa kanila ni Richard.
Hindi mapakali si Richard. “Kung totoong may concern sa kapakanan ko ang Black Angel, dapat niyang sabihin ang solusyon. Ngayon siya dapat magpakita, Wendy.â€
Nagpakita nga ang anghel na itim.
“Holy shit, speaking of the devil!†bulalas ni Richard. (ITUTULOY)