Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na sa Brazoria County sa Southeast Texas matatagpuan ang lahat ng uri makamandag na ahas? Kaya naman maglabas ng Mola-Mola o Ocean Sunfish ng 5 milyong itlog. Ang isang malaking Oso ay kayang tumakbo ng kasing bilis ng kabayo. Ang kiwi birds naman ay hindi nakakakita, naghahanap lang sila ng kanilang pagkain sa pamamagitan ng pang-amoy. Kapag namamatay ang alagang pusa ng mga matatandang Eygptian ay nag-aahit sila ng kanilang ulo bilang tanda ng pagdadalamhati.

Ang “lollipop” ay unang ginawa sa New Haven, Connecticut noong 1908 ni George Smith?

Nakuha niya ang pangalan nito sa pangalan ng isang pangkarerang kabayo. Ang itlog naman ng pato ay nagiging kulay blue ang puting bahagi nito kapag inilaga na habang nagiging halos kulay pula ang bahaging dilaw nito. Mayroon naman 3,473 katao ang mayroong apelyidong “Duck”  sa talaan ng whitepages.com sa Amerika. Ang durian naman ay orihinal na nagmula sa Malaysia at Indonesia.

 

Show comments