Saan man nanggaling ang Feng Shui, China o India, ang mahalaga ay nagbibigay ito ng magandang resulta sa ating buhay at hindi kumokontra sa ating ispiritwal na paniniwala. Narito ang dapat tandaan sa pagsasaayos ng altar o prayer room ng tahanan:
1---Sa northeast magandang ilagay ang altar dahil kapag dito ka nakapuwesto habang nagdadasal, ito’y nagbibigay ng magandang resulta.
2---Kung imposibleng magamit ang northeast, puwede rin ang east at north.
3---Iwasang mag-set up ng altar sa ibang direksiyon.
4---Iwasang maglagay ng altar sa bedroom, basement, ilalim ng hagdanan, katabi ng toilet.
5---Ang height ng mga imahen ng santo ay hindi dapat hihigit sa 6 inches. Iwasang maglagay ng mabibigat na imahen sa altar. (itutuloy)