Napakahirap magpanatili ng maayos at presentableng mukha, lalo na sa mga kababaihan. Minsan hindi na nga alam ng iba kung anong produktong pampaganda ang kanilang gagamitin para mapanatili o mas ma-improve pa ang kagandahan/ kaguwapuhan nila. Ngunit may mga pagkakataon na hindi mo namamalayan bakit ka bigla na lang tinutubuan ng kung anu-anong butlig sa iyong mukha o di kaya ay bigla na lang mag-iiba ang kulay ng iyong mukha. Ang ating mukha ay may nais din sabihin hinggil sa ating kalusugan. Narito ang ilanâ€
Acne sa noo – Ayon sa Chinese medicine, ang noo ay konektado sa digestive system ng tao, habang ang pagitang espasyo ng kilay sa noo ay konektado naman sa atay. Kung bigla ka na lang tutubuan ng pimple o acne sa mga lugar na ito ng iyong mukha ay posibleng nagkukulang ka sa tamang nutrisyon o di kaya ay masyadong nae-expose sa alcohol o pagkaing nakakasama sa iyong katawan gaya ng mga matataba at mamantikang pagkain.
Nunal – May ilang tao na nahihiya sa dami ng kanilang nunal sa mukha at katawan, ngunit hindi ito dapat ikahiya, dahil ayon sa King’s College London, ang taong mayroong hindi hihigit sa 100 nunal ay may matibay na buto at malusog na mata at puso.
Nangingitim ang paligid ng mata – Ang pagkakaroon ng dark circle at eye bags ay namamana minsan, ngunit kung alam mo naman na wala ka nito simula noong ikaw ay ipinanganak at bigla ka na lang nagkaroon nito, maaaring resulta lang ito ng pagkakaroon ng problema sa kalusugan. Ang ilalim ng mata ay konektado sa kidney o bato. Kaya kung bigla na lang nangitim ang paligid ng iyong mata maaaring nagkukulang sa tubig ang iyong kidney at napupuno na ito ng toxins. Mas makabubuting umiwas agad sa alcohol, caffeine at maaalat na pagkain. Posible rin na nagkukulang ka sa vitamin B12, iron at maaaring magkaroon ng anemia.