^

Para Malibang

Nagsisisi sa maagang pag-aasawa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po’y 20 years old at may asawa na. Bata ako ng mag-asawa. Ako’y 18 years old noon samantalang ang napangasawa ko ay 20 years old. Nagtanan lang kami dahil sa aming kapusukan. Nagalit sa akin ang mga magulang ko dahil hindi ako nakatapos ng pag-aaral. Parang nagsisisi ako ngayon. Madalas kaming nag-aaway ng asawa ko dahil sa kakapusan ng pera. May one-year old son na kami at madalas pang magkasakit dahil sa kakulangan ng tamang nutrisyon. Isa lamang driver ng tricycle ang asawa ko at ang kinikita niya ay kulang na kulang sa aming pangangailangan. Ang kondisyon ng mga magulang ko ay makakabalik lang ako sa amin kung iiwanan ko ang lalaking kinakasama ko ngayon. Dapat na ba akong sumuko? - Ema

Dear Ema,

Mag-usap kayo ng ka-live-in mo. Ipaliwanag mo sa kanya ang sitwasyon dahil ang pinag-uusapan diyan ay ang survival ng isang inosenteng bata na inyong anak. Marahil, puwede kayong maghiwalay muna at hikayatin mong magpatuloy kayong pareho ng pag-aaral alang-alang sa inyong magandang kinabukasan. Mga bata pa naman kayo at hindi pa huli ang lahat upang ituwid ang isang pagkakamaling bunga ng kapusukan. Kapag may matatag na kayong kabuhayan, puwede na kayong magpakasal at magsama muli.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

AKO

BATA

DAPAT

DEAR EMA

DEAR VANEZZA

EMA

IPALIWANAG

ISA

KAPAG

MADALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with