NASA hanay ng mga pedestrians ang black angel, walang ngiting kumaÂkaway kay Richard na nasa loob ng taxi.
Na-bother ang binata. Bakit parang alam ng mahiwagang lalaki na siya ay nasa taxi?
“P’re, nakikita mo ‘yung naka-costume ng black angel?†Itinuro ito ni Richard.
“Nasa’n, bro?†Hinanap ng tingin ng taxi driver.
“ ‘Yan mismong nasa tabi ng sidewalk, p’re, ‘yang may pakpak na itim din.â€
Umiling ito. “Wala akong makitang sinasabi mo, bro. Teka’t go na.â€
Bruumm. Umarangkada na ang taxi, patawid na sa intersection. Manghang nakatanaw si Richard sa black angel.
Napansin niyang hindi ito pinapansin ng mga katabi, na parang hindi nag-e-exist ang black angel.
“Anak ng tokwakang…baka ako lang ang nakakakita sa taong ‘yon! Gano’n siguro siya kagaling na…magician?â€
“Bro, narito na tayo sa 9th street,†mayamaya’y sabi ng taxi driver.
Bumaba si Richard, nagpahintay. Tinungo niya ang nagtitinda ng fishball. Ibinulong ang password. “Bakekang.â€
Tumango ang vendor, ibinigay kay Richard ang isang brown paper bag. Nagbalik na sa taxi ang binata.
Natapos ang ‘trabaho’ ni Richard sa gabing iyon nang walang sagabal. Nakubra niya agad ang malaking bayad o TF, talent fee daw.
Matapos kumain sa fastfood, umuwi na ng bahay ang binata—pansamantalang nalimutan ang tungkol sa black angel.
“Richard, anak, hinatinggabi ka.â€
“Gano’n po talaga ang nature ng trabaho ko, Mamang. Heto po, idagdag ninyo sa panggastos.â€
“Tulog na ang papang mo, nag-aalala na baka napapabarkada ka…â€
“Wala nga ho akong barkada, Mamang. Syota lang ho.â€
“Si Wendy na material girl. Anak, high maintenance ang ganoong babae, baka hilahin ka sa masama.â€
Hinalikan ni Richard sa noo ang ina. “Nonsense, Mamang. Okay na okay kami ni Wendy. Matutulog na ho ako.â€
Bukas ang big date nila ni Wendy sa expensive resto, naalala ng binata. Walang problema, paldo siya. ITUTULOY