ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na ang “chopsticks” ay orihinal na nagmula sa China? Gumagamit na sila ng chopsticks 4,000 taon na ang nakararaan. Ang Chinese chopsticks ay matutulis ang dulo habang ang Japanese chopsticks ay malapad ang dulo. Ang dami naman ng katas ng lemon ay dumidepende sa gulang at klimang kinalalagyan nito. Ang katas nito ay mayroong 4.5 hanggang 8.5 organic acids at pinaniniwalaang makakatunaw ng perlas ang citric acid nito. Nang ipakilala ng Kentucky Fried Chicken ang kanilang slogan na “Finger lickin’ good sa China, hindi agad ito napansin dahil ang ibig sabihin nito ay “eat your fingers off”. Ang bandila ng bansang Libya ang nag-iisang bandila sa buong mundo na walang dekorasyon at iisa lang ang kulay. Ang Australia naman ang  bansang may pinakamayaman sa “mineral sand”. Mas maalat ang dagat ng Atlantic Ocean kumpara sa Pacific Ocean.  Mahigit sa 25% ng mga kagubatan sa buong mundo ay matatagpuan sa Siberia.  Ang Singapore naman ang nag-iisang bansa  na mayroong isang istasyon ng tren.

Show comments