Maraming hindi nakakabatid sa ibinibigay na benepisyo ng bawang sa kalusugan ng tao. May mga tao din na inaayawan ang bawang dahil sa hindi magandang amoy na idinudulot nito sa hininga. Anu-ano nga ba ang magandang idinudulot nito sa kalusugan ng tao. Narito ang ilan:
Kumain ng sariwang bawang – Kung nais mong makuha ang mataas na antas na benepisyo ng bawang, kainin ito agad habang sariwa pa, dahil ang “allicin†na taglay nito ay agad na nawawala sa oras na maibabad sa tubig ang bawang sa loob ng limang araw at kapag ito naman ay ibinabad mo sa oil ng kalahating oras ay halos mawawala na ang allicin nito.
Hiwain ang bawang – Mas makukuha mo ang sustansiya ng bawang kapag hiniwa mo ito mas lalabas ang katas nito at makakain mo ang allicin na taglay nito. Bukod sa paghihiwa ng bawang, maganda rin kung ito ay iyong dudurugin dahil mas makakalabas ang katas nito.
Ngunit, kagaya ng pangamba ng nakararami, talagang mabaho sa hininga ang bawang kaya matapos kumain nito, mas mabuti kung agad na magsisipilyo at magmumog ng mouth wash. Maaari din uminom ng gatas at ngumuya ng parsley. Kung nais naman na maalis ang amoy bawang sa iyong kamay, maglagay ng kalamansi, asin o baking soda at saka magbanlaw.