Kung hindi pa handa sa responsibilidad sa pagkakaroon ng anak, maraming paraan para ma-enjoy pa rin ang sex ngunit hindi mabubuntis. Natalakay na natin ang iba’t ibang birth control methods na maaaring gamitin upang maiwasan ang ‘disgrasya.’ Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Abstinence
Birth Control Implant
Birth Control Patch
Birth Control Pills
Birth Control Shot
Birth Control Sponge
Birth Control Vaginal Ring
Breastfeeding as Birth Control
Cervical Cap
Condom
Diaphragm
Female Condom
Fertility Awareness-Based Methods (FAMs) o calendar method
IUD
Morning-After Pill (Emergency Contraception)
Outercourse
Spermicide
Sterilization sa babae
Vasectomy
Withdrawal (Pull Out Method)
Iisa lang ang layunin ng lahat ng mga birth control methods na ito – ang hindi ma-fertilize ng sperm ang egg para hindi mabuntis. Ang pagpili ng birth control method na angkop sa iyo ang susi.
Tanging ikaw lamang ang makakapagdesisyon kung ano ang pinakamagandang birth control method para sa iyo. Karaniwan ang pills na gamit ng mga babae at condom naman sa mga lalaki dahil madaling bumili ng mga ito at mura lang. Ngunit sa dami ng pagpipilian, maaaring mailto kung ano ang pipiliin. Tandaan na kapag nagbabago ang iyong lifestyle, posibleng mangailangang baguhin ang gamit na birth control methods.