‘The Beautiful Ones’ (28)

NAISABIT ni Oreo sa leeg ng demonyo ang rosaryo, nagliyab ang taga-impiyerno, napahiyaw sa sakit. “AAIIEEEE!”

Naging usok na itim ito, tinangay ng panggabing hangin; nagbabanta. “Babalikan kita, Oreo! Tandaan mooo!”

“F you!” sigaw ni Oreo kasama ang dirty finger sign.

“See that, mga alagad ko—?”

Napaigtad siya, palayo na ang magagandang zombies—naglalakad sa madilim na highway.

“Hoy! Saan kayo pupunta? Hoooy!” tarantang sigaw ni Oreo, “Masyadong madilim diyan! Takot ako sa masyadong madilim!”

Parang walang narinig ang mga living dead, tuloy sa paglayo.

Sumakay sa kanyang van si Oreo. Ang plano ay habulin ang mga  alagad. Hindi dapat makagala ang mga ito.

Nasa bahagi ng highway na walang bahayan ang mga zombie. Sa ganitong hatinggabi, halos wala nang nagdaraang sasakyan. “Kapag nakarating sila sa bahayan, tiyak na marami silang mabibiktima! Huwag po sanang mangyari, Diyos ko!”

Nabigla si Oreo. Siya nga ba ang sumambit ng ‘Diyos ko’?

Siya nga. Nagbabalik-loob na talaga siya sa Diyos.

Nawawala ang susi ng van, hindi makita ni Oreo. “Diyos ko, saan ko ba nailapag ‘yon? Hindi ko maalala.” Hindi na niya matanaw sa dilim ang magagandang buhay na bangkay. Hindi malaman ng bakla kung ano ang gagawin.

Hindi na dapat makapatay ang mga zombie niya, diin ni Oreo sa isipan; di ba nga papanig na siyang muli sa Diyos?

Hindi pa rin makita ni Oreo ang susi ng sasakyan. Labis na siyang natataranta. Tumingala siya, napapasaklolo. “SABIHIN MO ANG DAPAT KONG GAWIN! PARA MAPIGIL ANG MGA ZOMBIE!”

Ewan kung totoong nakarinig siya ng bulong. “Magpenitensiya ka, sa gitna ng kalye…” Dumiin sa isip ni Oreo ang anyo ng nagpepenitensiya—hubad-baro ito, hinahataw ang sarili.

Walang babalang naghubad ng damit si Oreo, brief lang ang inilabi.

Saglit pa’y naglalakad na siyang paluhod sa gitna ng daan, napakasagwa ng hitsura.  (2 LABAS).

 

                               

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

               

                

Show comments