Outercourse - Iba-iba ang ibig sabihin ng outercourse sa iba’t ibang tao. Sa iba ang outercourse ay sex play na walang contact o vaginal intercourse. Sa iba ito ay sex play na walang penetration, mapa-oral, anal, o vaginal. Sa pamamagitan ng outercourse, walang mangyayaring buntisan dahil hindi makakapasok ang sperm sa vagina. Simple lang… sa outercourse, hindi puwedeng makapasok sa vagina ang sperm. Bahala na kayong mag-isip kung anong klaseng sex play ang inyong gagawin basta walang makakapasok na sperm sa vagina.
Fertility awareness methods - Karaniwang tinatawag itong ‘natural family planning.’ Sa paraang ito, kailangan mong malaman kung kailan ang iyong ovulation, kung kailan ka fertile, kung kailan naka-schedule na lumabas ang egg sa iyong ovary. Simple lang, kapag fertile o malapit nang mag-ovulate ang babae, ‘off limits’ ang mga lalaki. Dahil nag-oovulate, hindi dapat makapasok ang sperm sa vagina. Kaya kung ‘hindi mapipigilan’ gumamit ng withdrawal, condom, sponge, diaphragm, o cap. Kung hindi naman ay mag-isip ng ibang sex play basta hindi puwede ang vaginal intercourse dahil kung hindi, ay siguradong madadale ng sperm ang egg. Importanteng malaman ng mga couples kung kailan delikadong mabuntis ang babae at kung kailan safe.
Ang menstrual cycle length ay ang bilang ng araw kung gaano katagal ang menstrual cycle. Ang araw ng pagdating ng menstruation ay ang unang araw ng menstrual cycle. Halimbawa, ang period mo ay nagsimula ng July 1.
Ang sumunod na period mo ay July 27. Bilangin ang araw mula July 1 hanggang July 26. Hindi na kasama ang July 27 dahil unang araw na ito ng susunod na menstrual cycle. (Itutuloy)