Morning-after pill (Emergency contraception)
Ang ‘morning after pill’ ay tinatawag din na emergency contraception pills. Iniinom ito pagkatapos ng unprotected intercourse. Ang iba, tinatawag itong “abortion pillsâ€. Ginagamit ang emergency contraception para pigilan ang pagbubuntis bago pa man ito magsimula.
Dini-delay o pinipigilan nito ang ovulation; kaya hindi ito nagiging sanhi ng abortion. Kung nakalimutang uminom ng pills at nakipag-sex, ang remedy ay ang morning after pill para hindi mabuntis.
Ang karaniwang birth control pills ay iniinom araw-araw para hindi mabuntis. Ang birth control pill ay naglalaman ng hormones na pumipigil sa ovulation, dahil kung walang egg na ipe-fertilize, hindi mabubuntis.
Pinapakapal din nito ang cervical mucus kaya mahihirapan ang sperm na makita ang egg. Ang morning after pill ay iniinom sa loob ng 120 hours (limang araw) pagkatapos makipag-sex ng walang proteksiyon. Dini-delay nito ang fertilization o kaya minsan ay pinipigilan nito ang implantation ng egg. Kung walang ibang ginagamit na birth control, puwede ang morning after pill ang gamitin pagkatapos makipag-sex.
Hindi naman agad-agad nabubuntis pagkatapos ng sex kaya puwedeng pigilan ang pagbubuntis. Aabot sa anim na araw bago magkita ang sperm at egg pagkatapos mag-sex kaya kapag uminom ng emergency pill, patatagalin nito ang paglabas ng egg mula sa ovary.
Ang sperm kapag in-ejaculated ito sa vagina ng babae ay mabubuhay sa cervical mucus ng babae o sa upper genital tract ng tatlo hanggang limang araw. Maaaring magkaroon ng fertilization hanggat may nabubuhay na sperm.
Ang sperm na in-ejaculate sa labas ng vagina ay tatagal lang ng ilang oras.
- Latest