Second to the last part
Diaphragm - Ang diaphragm ay malalim na parang mangkok na maliit na may flexible rim. Gawa ito sa silicone. Ipinapasok ito sa vagina para matakpan ang cervix. Pinipigil ng diaphragms ang pagbubuntis dahil hindi nito binibigyang pagkakataong matagpuan ng sperm ang egg. Para mas maging epektibo, kailangang gamitin ang diaphragm na may spermicide cream, gel o jelly.
Spermicide - Ang spermicide ay isang uri ng birth control method na naglalaman ng chemicals para pigilang makagalaw ang sperm. May iba’t ibang uri ang spermicides tulad ng creams, film, foams, gels, at suppositories. Puwedeng gamitin ang spermicide lang ngunit maaari rin itong isabay sa ibang paraan ng birth control para mas lalong sigurado. Ginagamit ito sa diaphragm at cervical cap. Pinipigilan ng spermicides ang sperm from na ma-fertilize ang egg. Ang spermicides ay ipinapasok sa loob ng vagina bago mag- intercourse. Hinaharangan nito ang cervix para hindi marating ng sperm ang egg at pinipigilan nito ang paggalaw ng sperm para hindi nito ma-fertilize ang egg
IUD - Ang ibig sabihin ng IUD ay intrauterine device. Ang IUDs ay maliit na, “T-shape na gawa sa flexible plastic. Ipinapasok ng doctor ang IUD sa uterus para hindi mabuntis. May IUD na may copper at epektibo ito ng 12 years. At maroon namang IUD na nagre-release ng kaunting hormone na progestin at epektibo ng 5-years. May epekto ang IUD sa sa paggalaw ng sperm kaya hindi nito makikita ang egg para hindi mabuntis. Sa iba hindi nakakalabas ang egg sa ovary kaya hindi mabubuntis. Pinapakapal din ng progestin ang cervical mucus na siyang humaharang sa sperm and na makita ang egg. (Itutuloy)