Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Ms. K, 24 years old at isang elementary teacher. Mayroon akong bf na 4th year high school student sa school na pinagtuturuan ko. Akala ko’y maililihim ang relasyon namin pero sa hindi ko malamang dahilan, pinatawag ako ng aming principal at pinagalitan. Binantaan niya ako na matatanggal ako sa trabaho kung hindi ko puputulin ang relasyon sa aking bf. Nagsumbong pala sa principal ang mga magulang ng bf ko. Four years lang naman ang tanda ko sa aking bf at sa tingin ko’y walang masama kung mag-kaibigan man kami. Mahal ko ang aking bf at ayaw kong magkasira kami. Ano ang gagawin ko?
Dear Ms. K,
Mayroong protocol na sinusunod na nagbabawal sa mga guro na makipagrelasyon sa estudyante. Hindi kasi ito magandang halimbawa sa mga mag-aaral. Marahil, pagsabihan mo muna ang bf mo na lay-low muna kayo. Tutal 4th year na siya at sa isang taon ay papasok na siya sa college. Kung magkagayon, puwede nang ituloy ang inyong relasyon. Hindi naman kailangang makipag-break ka kung talagang kayo’y nagmamahalan. Just wait for the right and proper time.
Sumasaiyo,
Vanezza