Bakit maraming nabubuntis? (2)
Birth control patch – Ito ay manipis na kulay beige na plastic patch na idinidikit sa balat. Nagdidikit nito sa balat isang beses isang linggo ng tatlong sunod na lingo. Nagre-release ng hormone ang patch tulad ng hormones na inire-release ng birth control pills na estrogen at progestin kaya hindi nakakalabas ang egg sa ovaries, kumakapal ang cervical mucus at dahil dito ay walang magaganap na fertilization.
Birth Control Shot - Ang birth control shot ay injection ng hormone para hindi mabuntis. Ang bawat shot ay epektibo ng tatlong buwan.
Tulad ng ibang paraan ng birth control, ang birth control shot ay naglalabas ng hormone na progestin sa katawan para pigilan ang paglabas ng egg sa ovaries kaya hindi mabubuntis dahil hindi mape-fertilize ng sperm ang egg.
Birth Control Sponge - Ang sponge ay gawa sa plastic foam at naglalaman ng spermicide. Ito ay malambot na bilog na two inches ang laki. May nakakabit na nylon loop para madaling tanggalin. Ipinapasok ito sa vagina bago ang intercourse. Ang contraceptive sponge ay available na sa United States ngunit hindi pa ito kilala dito sa bansa. Pinipigilan ng sponge ang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpigil sa sperm na ma-fertilize ang egg. Tinatakpan ng sponge ang cervix at hinaharang nito ang sperm na makapasok sa uterus. Ang sponge ay naglalabas din ng spermicide para hindi makagalaw ang sperm.
- Latest