Alam n’yo ba na mayroong iba’t ibang pamahiin tungkol sa kasal ang iba’t-ibang bansa? Gaya sa Egypt, kinukurot nila ang bride sa araw ng kasal nito para suwertehin. Sa Jerusalem naman kinakailangan na ang lalaki ay nakatayo sa kanang bahagi ng altar at ang bride ay sa kaliwa. Simbolo ito na kinakailangan na hawakan ng lalaki ang kanyang bride sa kaliwang kamay upang gamitin naman ang kanyang kanang kamay para sa paghawak ng espada para labanan ang sinumang mangangahas na umagaw sa kanyang bride. Ang mga taong may higit na 10,000 taste buds ay kinokonsiderang mga “Super tasters†. Ang taste buds din ang isa sa mga dahilan bakit ka nananatiling buhay. Ito kasi ang nagdedetermina kung dapat o hindi dapat lunukin ang isang pagkain. Mula sa pagiging sanggol, kilala na agad ng taste buds ng tao ang lasa ng matamis at nagsisilbi itong “brain fuel†habang ang lasa ng mapait ay kinokonsidera ng iyong utak bilang lasa ng isang lason.