Ang sintomas ng overactive bladder ay ang mga sumusunod: Kung patatagalin ang ihi sa katawan, maaaring magkaroon ng infection sa atay o pantog. Kapag hindi nailalabas ang ihi, maaari itong mag-overflow kaya nagkakaroon ng tagas kapag puno na ang pantog. Kung ang problem ay hindi lumalabas lahat ang ihi, maaaring bigyan ng gamot para umayos ang paglabas ng ihi. Dumadating din sa puntong kailangang gumamit ng catheter sa urethra para lumabas ang ihi. Makakatulong din kung mapapag-aralan kung kalian puno na ang pantog at kailangan nang umihi att kung paano mamasahiin ang bladder na makakatulong para lumabas lahat ang ihi. Kung ang problem ay pagtagas ng ihi, may gamot at puwede ring mag- Kegel exercises para lumakas ang muscle. Puwede ring operahan. Susunod nating tatalakayin ang Urinary Tract Infection o UTI.
Urinary Tract Infections
Nagkakaroon ng infections kung ang bacteria na kadalasan ay galing sa digestive system ay nakakarating sa urinary tract. Kung may bacteria na nabubuhay sa urethra, ang infection ay tinatawag na urethritis. Ang bacteria ay maaaring maglakbay patungo sa urinary tract at maaaring maging sanhi ng bladder infection na tinatawag na cystitis. Kapag hindi ito ginamot, maaari itong pumasok sa katawan at puwedeng maging sanhi ng pyelonephritis na isang kidney infection. May mga taong madalas magkaroon ng urinary tract infections. (ITUTULOY)