Mga Dapat tandaan kapag may diarrhea (1)

Mahirap talaga ang maya’t mayang tawag ng kalikasan, kaya mahalaga na maremedyuhan agad ang diarrhea. Ang mga sumusunod ay pinagsama-samang rekomendasyon ng mga health care expert.

Maaaring agapan agad ang diarrhea sa pamamagitan ng pag-inom sa prescribe medicine ng inyong pinagkakatiwalaang doctor. Dalawa ang tinutukoy na karaniwang over-the-counter medications.  Ang Lope­ramide, na ipinagbibili sa brand name na Imodium. Pinababagal nito ang paggalaw ng fluids sa intestines, habang ang bismuth subsalicylate (Kaopectate, Pepto-Bismol) ay pinapahupa naman ang pamamaga at nilalabanan ang bugs (mga karamdaman na sanhi ng germs).

Nangyayari ang dehydration kapag mababa ang fluids at electrolytes level, na karaniwang komplikasyon ng pagkakaroon ng diarrhea. Para maging maagap, tandaan na ang mga palatandaan ng dehydration, kabilang dito ang pagkauhaw, dark-colored urine, pagkahilo at fatigue. Para malabanan ang dehydration, ipinapayong uminom ng tubig gayundin ng mga inuming may sodium at iba pang electrolyte. Kasama na rito ang sports drinks, broths o clear soup, caffeine-free sodas at juices.

Dapat din na malaman ng lahat na ang pagtutubig ng dumi sa loob ng dalawang araw ay hindi dapat ipinagwawalang-bahala. Dahil palatandaan ito ng seryosong kondisyon at nangangailangan ng wastong gabay ng inyong pinagkakatiwalaang doctor.  Bukod sa matubig na dumi, dapat din ikunsulta agad sa doctor kung dumaranas ng abdominal pain, ang pagkakaroon ng lagnat o kung ang dumi ay kulay itim o may bahid ng dugo o nana na palatandaan naman ng impeksiyon.

Show comments