ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na ang kawayan ang pinakamataas na uri ng damo? Tumataas ito ng hanggang 130-talampakan. Malalaman mo kung hanggang saan ang ugat ng isang puno kahit pa ito ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Kasing haba kasi ng ugat ang pinakamahabang sanga ng puno. Mahigit 60-uri ng halaman ay nagtataglay ng caffeine. Makakakuha ka sa isang araw ng 7 tonelada ng tubig mula sa mga dahon ng isang oak tree. Hindi makakapamunga ng acorn ang isang oak tree hangga’t hindi ito nakakarating ng 50-taon. Ang peach ay miyembro ng rose family. Ang langka o jackfruit  ang itinuturing na pinakamalaking prutas. Ito ay nagmula sa Indo-Malaysian region. Ayon kay Charles Heiser ng Seed to Civilization, 1973,  maaaring lumaki ng hanggang tatlong talampakan ang isang langka at may bigat na 75-libra.  Kaya ito ang kinilalang pinakamalaking prutas sa mundo.

Show comments