^

Para Malibang

Paano makikita ang mga sintomas ng stroke? (1)

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Ang malaking tsansa ng recovery sa sakit na stroke ay sinasabing nakadepende sa agarang pagkatukoy dito at pagsasagawa ng gamutan. Kaya mahalagang ma-spot-an agad ang mga palatandaan ng sakit, paano ito magagawa? Ipinaliwanag ni Dr. Randolph Marshall, chief ng stroke division sa NewYork-Presbyterian Hospital/Columbia University Medical Center, na kapag na-stroke ang isang tao ay kakikitaan siya ng bahagya o malalang pagbabago, physically.

Kabilang dito ang biglaang pamamanhid o panghihina ng mukha, mga braso at mga binti sa isang bahagi ng katawan, pagkalito at pagkakaroon ng problema sa pagsasalita. Ang iba pang palatandaan ay kinabibilangan ng pagkahilo at pagkakaroon ng problema sa paglalakad, pagkawala ng paningin sa isang mata o parehong mata at ang matinding pananakit ng ulo, na nangyayari na lang nang walang anumang kadahilanan. Ayon pa kay Dr. Randolph, pinaka-epektibong paraan para maiwasan ang permanent damage kaugnay sa stroke ay matukoy ang mga palatandaan ng pag-atake nito at makahanap ng atensiyong medikal sa lalong madaling panahon. (Itutuloy)

AYON

COLUMBIA UNIVERSITY MEDICAL CENTER

DR. RANDOLPH

DR. RANDOLPH MARSHALL

IPINALIWANAG

ITUTULOY

KABILANG

KAYA

PRESBYTERIAN HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with