^

Para Malibang

Namatay ang inspirasyon

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Nagkaroon ako noon ng girlfriend. Para sa akin siya ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. Sa loob ng 3 taon nagkaroon kami ng relasyon at nagmahalan nang lubos. Ang akala ko noon, wala nang katapusan ang aming kaligayahan. Isang araw, pinuntahan ako ng isang kaibigan at sinabing naholdap at napatay ang nobya ko. Agad akong sumugod sa ospital, subalit hindi ko na siya inabutang buhay. Hindi ko ito matanggap. Umiyak ako nang umiyak. Mula ng mamatay ang mahal ko, iyon na ang simula ng panibagong kalbaryo ng buhay ko. Nalulong ako sa bawal na gamot para makalimot sa kasawian ng aking pag-ibig. Parang nawalan na ng direksiyon ang buhay ko nang mawala siya. - Natoy

Dear Natoy,

Sana’y matanggap mo na ang buhay ng lahat ng tao sa mundo ay pahiram lang sa atin ng Dakilang Lumikha. Marahil, kung buhay pa ang mahal mo, hindi niya nanaisin na maligaw ka ng landas. Sa pagyao niya, ang buhay mo ay dapat na magpatuloy. Hindi ka dapat na nagwawala. Magnilay-nilay ka nang husto at bagaman hindi mo kailangang limutin ang yumao mong kasintahan, dapat na maging matatag ang paninindigan mo na ang magandang alaala ng inyong pagsasama ay hindi dapat na malambungan ng masamang gawain. Makakatagpo ka rin ng babaeng mamahalin mo ng lubos at magmamahal din sa iyo sa kabila ng pinagdaanan mong karanasan kaya wag kang mawalan ng pag-asa.

Sumasaiyo,

Vanezza

BUHAY

DAKILANG LUMIKHA

DEAR NATOY

DEAR VANEZZA

ISANG

MAGNILAY

MAKAKATAGPO

MARAHIL

MULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with