^

Para Malibang

Isa ka bang ‘Narcissist’? (3)

Pang-masa

Ito ay ikatlong bahagi ng talakayan kung paano mo malalaman na isa palang Narcissist ang lalaking iyong kinababaliwan at minamahal. Kung ano ang kanilang paraan para makapambiktima at paibigin ang isang babae at kalaunan ay iiwan na lang ito na luhaan.

Sinu-sino nga ba ang mga nabibiktima ng mga lalaking Narcissist? Bagama’t may diperensya sa pag-iisip o mental disorder ang Narcissist, marami silang nabibiktima at talaga naman nababaliw sa kanila ang mga ito dahil sa matinding atensiyon at pagmamahal na kanilang ibinibigay. Masyadong mapanlinlang ang kanilang mga ipinakikita para makuha ang babaeng nais nilang paglaruan. Hindi kasi sila mabubuhay ng walang karelasyon lalo na kung hindi ito sanga-sanga. Hindi kasi kontento ang isang Narcissist sa isang babae dahil hindi sapat ang isa para mapataas ang kanyang namamatay na ego. Maraming nag-aakala na ang madalas na nabibiktima ng Narcissist ay mga mahihinang babae. Mali kayo. Dahil sa totoo lang hindi nila pinapansin ang mga babaeng mahihina ang personalidad.

Madalas nilang mabiktima ay ang mga babaeng matatalino, may talento, may nararating, sa madali’t sabi naghahanap sila ng “big star” na kanilang masusungkit.

Dahil para sa kanila ang mga ganitong uri ng babae kapag nakuha ay isang malaking “achievement”  nila. Nakakaramdam sila ng kakumpletuhan sa kanilang pagkatao at pagtaas ng kanyang ego. Ngunit matapos ang pagbibigay niya sa’yo ng emosyong pagkataas-taas sa kasiyahan ay magugulat ka na lang sa biglaang pagtalikod niya sa inyong pagmamahalan.

Dito mo itatanong sa iyong sarili kung ano ang iyong nagawa, pipilitin mong maibalik ang dati ninyong relasyon, ngunit hindi mo na makikita pa ang bakas nito dahil sobrang pagkasakit ng damdamin ang naidulot ng isang Narcissist sa’yo. At ang pinakamasakit, matapos kang iwan ng ilang araw ay heto muli ang taong ito at nagbibigay sa’yo ng “mixed signals”. 

Umaaktong nagmamahal pa rin ngunit hindi naman. Bakit? Ang isang Narcissist kasi ay walang kapasidad magmahal ng kapwa nila dahil nakasentro ang kanyang isip at puso sa kanyang sarili, kung paano niya mapapasaya ang kanyang sarili kahit pa alam niyang nakakapanakit siya ng iba. Sa susunod ay tatalakayin natin kung paano makakawala mula sa Narcissistic relationship ang isang babae. (Itutuloy)

BAGAMA

BAKIT

DAHIL

DITO

ISANG

NARCISSIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with