MAPAIT ang kabataan ni Oreo. Siya, mula elementary pa lang ay isa nang certified bading. Pinagmalupitan si Oreo ng step father at ng mga kasambahay. Ang tangi niyang kakampi, ang nanay niya, ay namatay nang maaga. Naiwan siya sa kalinga ng malupit na amain; ginawang alilang laging binubugbog at tinitipid sa pagkain.
Kahit api at hirap sa kalagayan, nakatapos ng high school si Oreo. Hindi pa rin siya tinatantanan ng kalupitan ng step father; almusal na niya ang mga sipa nito sa kanyang mukha.
“Kung hindi makatiis, umalisâ€. Dakilang payo ito ng kanyang ina noong nabubuhay pa. Sa sama ng loob sa pagmamalupit sa kanya ng amain kaya namatay nang maaga ang ina ni Oreo.
Kaya ba pinili na lang ng ina niya ang mamatay? Ito ba mismo ang nagsagawa ng ipinayo nito sa kanya? Kaya ba ‘umalis’ na nang walang balikan ang ina—dahil hindi nakatiis?
Tinakasan niya ang amain, may sumpang gaganti kapag may sapat nang lakas.
Nagtinda si Oreo nang kung anu-ano para mabuhay. “TINAPAAA! DAENG! BILI NAAA!â€
Nagtiis siyang tumirang mag-isa sa ilalim ng mabahong tulay. Halos gulagulanit ang damit niya.
Patuloy ang panlalait sa kanya ng mga tao. Na para bang siya, dahil bakla, ay walang karapatang mamuhay bilang tao.
Labis na naabuso ang kanyang dignidad. Hindi iginalang ang kanyang human rights.
Lalong dumarami ang sama ng loob ni Oreo sa mga nang-aalipusta.
Lagi siyang umiiyak sa kanyang pag-iisa, kapag matutulog na sa ilalim ng tulay.
Natatanaw niya ang simbahan pero ayaw na niyang manalangin sa Diyos; tingin niya’y kinalimutan siya maging ng Diyos.
Ang alam ni Oreo, may kalaban ang Diyos na makapangyarihan din.
Nagpasya si Oreo, papanig siya sa kalaban ni Lord.
“Payamanin mo ako, Prince of Darkness at ang kaluluwa ko’y magiging iyo na! Gawin mo akong super-yaman para magantihan ko ang mga hinayupak na nang-api sa akinnn!†gabi-gabing dasal ni Oreo sa demonyo. ( ITUTULOY)