Magical Properties of Herbs (4)

Periwinkle or Chichirica—Inilalagay ang pe­tals sa ibabaw ng higaan ng mag-asawa upang ma­ging mainit ang pagmamahalan. Kapag daw tititigan ang halaman, ito ay makakapagpabalik ng alaala ng may amnesia. Magandang itanim sa paligid ng bahay dahil takot dito ang ahas at nagpapalayas ng masamang espiritu. Ginagamit sa paggawa ng gayuma. Itanim sa paligid ng libingan ng isang bata upang matanggal ang sakit ng kalooban na nadadama ng mga naulilang mga magulang.

Strawberry—Nagsisilbing love food. Ang dahon ay itinatago sa wallet or bulsa bilang pampasuwerte. Ang buntis ay nagtatago ng dahon sa kanilang bulsa upang hindi maghirap sa panganganak.

Carrot—Pampainit sa sex at nakagagaling ng impotence.

Cucumber—Nakaka-improve ng fertility. Nakakabawas ng sobrang hilig sa sex. Pantulong upang ang ritwal sa astral travel ay magtagumpay sa pamamagitan ng paglalagay ng slices ng cucumber sa dalawang mata.

Show comments