Mga pagkaing nakakalason (1)
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagkain ay mahalaga dahil bukod sa nutrisyon na makukuha mo rito, ngunit dapat mo rin alamin ang mga pagkaing may dalang lason sa iyong kalusugan. Narito ang ilang halimbawa ng pagkain na makakasama sa iyong kalusugan:
Lima beans – Gaya ng maraming uri ng legumes, hindi dapat kinakain ng hilaw ang lima beans dahil maaari mo itong ikamatay. Mataas kasi ang cyanide level nito, kaya dapat na lutuing mabuti at hindi dapat takpan habang niluluto upang maalis ang lason nito na sumasama sa usok.
Butete o pufferfish – Hindi dapat kinakain ang isdang ito dahil halos lahat ng butete ay nagtataglay ng tetrodotoxin, ito’y isang uri ng lason na 1,200 beses ang taas sa cyanide. Ang taglay na lason ng isang butete ay kayang pumatay ng 30-katao at wala pang nadidiskubreng gamot na lalaban sa lason nito.
Castor beans – Maraming matatanda ang palaging may baon na castor oil sa kanilang bulsa dahil mahusay itong panggamot lalo na sa sakit ng tiyan. Pero, tiyakin mong hindi mo kakainin ang beans na pinagmumulan ng oil o langis nito, dahil sa oras na manguya mo ito at malunok ang katas nito ay lalabas ang taglay nitong ricin na kilalang lason na pumapatay sa tao. Noong unang panahon, ginagamit pa ito ng mga sundalo para patayin ang kanilang kalaban.
Almonds – Ang bitter almonds ay kaiba sa sikat na uri ng nuts sa America, dahil ang una ay may taglay din na cyanide. Kaya kang patayin ng pagkaing ito kung makakakain ka ng 20-piraso nito. (Itutuloy)
- Latest