Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa iba’t ibang posisyon sa pagtulog at ano ang ipinapahayag nito. Narito pa ang ilan:
‘Spooners’ o posisyong nakayakap – Ang ganitong uri ng posisyon sa pagtulog ay nagpapahayag na nais proteksiyunan ng lalaki ang kanyang partner habang ang babaeng nais naman palaging magpayakap kapag natutulog ay gustong makaramdam ng pagmamahal at seguridad na siya ay ligtas.
‘Footsie’ o paglalaro ng paa bilang pampatulog – Marami talagang uri ng paglalambing, isa dito ay ang paglalaro ng paa bago matulog. Ang ganitong uri ng posisyon bago matulog ay nagpapahayag naman na mayroong iisang emosyon o pagmamahalan ang mag-asawa/mag-partner at nagpapakita din ito ng kumpiyansa sa bawat isa.
‘Bottom buddies’ o natutulog ng nakabaluktot - Ang taong ganitong posisyon sa pagtulog ay nagpapakita lang na masyado siyang close sa kanyang partner. Hindi kasi madali at hindi rin magandang tingnan ang ganitong posisyon, ngunit dahil sa nararamdaman mong mahal ka ng iyong partner ay hindi ka na mahihiyang makita ka niya sa ganitong posisyon ng iyong pagtulog.
‘Intertwined’ o natutulog na ginagawa mong unan ang iyong partner – Karaniwan itong posisyon ng mga bagong mag-asawa. Natutulog minsan ang isa sa kanila na nakaunan sa tiyan o sa hita. Nagpapakita ito na ini-enjoy lang nila ang sariwang pagmamahalan ng isa’t isa.