^

Para Malibang

Lolo na ang napangasawa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Binky, 21, at tubong Mindanao. Ang problema ko ay ang asawa kong matanda na 81 anyos na. Hindi ko po ito ginusto. Ipinagbili ako ng aking mga magulang sa kanya. Sa ngayon po ay anim na buwan na kaming nagsasama. Pero hindi po ako masaya sa aking kalagayan. Gusto ko na po siyang hiwalayan. Kung hihiwalayan ko po ba siya ay may financial support akong maaasahan? Talaga pong impiyerno ang buhay ko ngayon. Sana’y pagpayuhan ninyo ako dahil wala na akong mahingan ng tulong. Maraming salamat po at more power.

Dear Binky,

Kung kasal ka sa kanya ay kailangan mo ng malaking halaga para ipawalang-bisa ito. Kung hindi ka kasal, walang makakapigil sa iyo upang hiwalayan mo siya dahil hindi mo naman siya gusto at pinilit ka lang ng iyong mga magulang. Wala tayong divorce sa Pilipinas. Sa divorce, may maaasahang sustento ang babae (alimony) kapag nakipaghiwalay sa asawa. Ang tanging meron tayo ay ang tinatawag na annulment. Dito’y idinedeklara ng korte na walang naganap na kasalan dahil sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng “pamimilit ng magulang” at iba pa. Pasok ka sana riyan pero magastos. Kakailanganin mo ng abogado at malaking halaga. Kung may kaibigan kang abogado ay puwede kang magtanong. Mayroon ding Public Attorney’s Office sa inyong munisipyo na puwede mong pagtanungan at baka makatulong sa iyo. Pero kung hindi ka naman kasal, layasan mo na lang siya.

Sumasaiyo,

Vanezza

BINKY

DEAR BINKY

DEAR VANEZZA

DITO

IPINAGBILI

KAKAILANGANIN

MARAMING

PERO

PUBLIC ATTORNEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with