Marami couples ang nag-o-oral sex, lalo na sa mga sexually active na mag-partner. May dalawang uri ng oral sex…
Cunnilingus – Ito ay ‘intense’ at exciting para sa mga babae. Ito ay ang sexual act na ‘pinapaligaya’ ng mga lalaki ang mga babae sa pamamagitan ng paghalik sa kanyang ‘flower.’. Satisfying din ito sa mga lalaki na nag-e-enjoy sa pagbibigay ng ‘kaligayahan’ sa mga babae.
Fellatio - Ang pagbibigay ng kaligayahan ng mga babae sa mga lalaki sa pamamagitan ng paghalik at ‘pagsubo’ sa penis at testicles. Sa pamamagitan ng oral sex ay maaaring makapag-orgasm.
Bentahe ng oral sex:
Mas exciting ang sexual experience
Mas maa-aroused ang mga babae ng mainam sa penetration
Kung mahusay sa oral sex ay mabibigyan ng intense na sexual pleasure ang partner
Exciting sa mga lalaki ang oral sex
Makakatulong kung may problema sa erection
Panganib ng oral sex:
Exciting para sa ibang couples ang oral sex ngunit nitong mga nagdaang taon, marami nang nadidiskubreng panganib sa oral sex. Unang-una ay maaaring makakuha ng HPV o human papilloma virus na siyang sanhi ng cancer. Ang HPV ay karaniwang sanhi ng cancer sa cervix ngunit nitong mga nagdaang taon ay inuuugnay na ng mga cancer experts ang HPV sa mga cancer sa lalamunan o sa bibig. Marami ang nag-e-enjoy sa oral sex ngunit sa ngayon ay may panganib na ito. Mahirap tukuyin kung sino ang taong may HPV dahil hindi naman obvious ang sintomas nito. Kaya mas mabuting maging monogamous at iwasan ang pagkakaroon ng maraming sexual partner.