Feng Shui Diet Tips

Sa halip na magbilang ka ng calories, bakit hindi mo piliin ang iyong pagkain base sa shape at  colors? Idagdag pa dito ang ilang feng shui tips sa dining room at kitchen.

1---Kung nais mong mabawasan ang iyong timbang, kainin ang mga pagkaing square ang shape kaysa bilog. Ang square ay nagdudulot ng energy of contentment or satisfaction kaya ang tendency ay huminto sa pagkain dahil busog na. Nagdudulot ng energy of curiosity ang pagkaing may round shape. Kapag curious ka, gusto mong subukan ang lahat ng pagkaing makikita mo.

2---Ang mellow, earthy colors kagaya ng brown at beige ay nagdudulot ng feeling na busog samantalang ang bright colors ay nagpapagana ng panlasa sa pagkain. Iyon ang dahilan kung bakit ang karamihan sa mga fastfoods ay red, orange, yellow at apple green ang kulay na ginagamit sa kanilang restaurant. Sa mga nais mabawasan ng timbang, brown at beige ang gamiting kulay sa inyong di­ning room upang hindi matuksong kumain ng sobra.

(Itutuloy)

Show comments