NAKITA ni Clarissa, The Lonely Ghost, ang paghahalikan ng binatang version ni Raymundo at ng dalagang nobya nito. Lalo lamang lumala ang paÂngungulila ni Clarissa sa kasintahan—ang orihinal na si Raymundo noong 1890s. Pakiramdam ni Clarissa’y mababaliw na sa lungkot habang nasa Dekada ‘70.
“Hindi ko makakaya ang ganito, Raymundo. Kailangang makita kita at matanong—kung ikaw nga ba’y nagtaksil…â€
Umibig ba sa iba ang kanyang si Raymundo? Nagkapamilya ba ito at nagkaapo sa maraming henerasyon? Kinalimutan ba ni Raymundo ang kanilang sumpaan –na hanggang Langit magmamahalan? Kaydaming tanong sa isipan ni Clarissa na kailangang masagot.
Humulagpos ang habag sa sarili ng magandasng multo. “HU-HU-HU-HUUU…RAYMUNDOOO…â€
Napaigtad si Raymundo IV at ang kasintahan; naudlot ang halikan nila sa tagong bahagi ng Luneta.
Dinig na dinig nila ang malakas na hagulhol at palahaw.
“R-raymundo, sino ‘yon? Bakit ka tinawag?†Nagpalinga-linga ang dalawang young lovers, hinaÂhanap ang pinagmulan ng tinig-iyak.
Kailangang magtanong ni Clarissa, kahit hindi nagpapakita. “AMANG, APO KA BA SA TALAMPAKAN NI RAYMUNDO?â€
Napaigtad na ang dalawang young lovers, sa harapan nila nagmula ang malakas na tinig.
“EEEEEE! AAAAHHH!†tili ng nobya, sigaw ni Raymundo IV. Tumakbo silang palabas sa Chinese Garden.
Naiwan ang malungkot na multo ni Clarissa. Hindi nasagot ang kanyang tanong sa posibleng kaapu-apuhan ni Raymundo.
Naupo sa park bench sa harap ng man-made lagoon. Naaliw kahit paano si Clarissa sa malaking fountain ng Luneta ng 1970s.
Mayamaya’y bumuo na ng pasya ang malungkot na multo. Kung apo sa talampakan ang nasa dekada ’70, wala siyang dapat gawin kundi sikaping makabalik sa sariling panahon—noong 1890s.
Pilit niyang hahanaping muli doon si Raymundo. Matitiyak niya kung ito nga ba ay nag-asawa at nagkapamilya; masisiguro niya kung kailan namatay si Raymundo.
Pero paano nga ba ang magbalik sa saktong panahon ng Kastila, noong buhay pa si Rizal at aktibo ang mga katipunero? (ITUTULOY)