Caffeine withdrawal - Lumilitaw sa mga pag-aaral na sapat na pagkonsumo ng dalawa at kalahating tasa ng kape sa isang araw para mapalala ang pananakit ng ulo ng isang dumaranas ng migraine. Sinasabing maoobserbahan sa loob ng ilang oras ang panaÂnakit ng ulo matapos ang ilang oras mula nang kumunsumo ng caffeine, dahil umano ito sa caffeine withdrawal. Sinasabi rin na ang ibayo pang pagkonsumo ng caffeine, sa mga susunod na oras kaysa sa nakagawian ay makakapag-trigger din ng migraine.
Kulang sa magnesium - Ang emotional at physical stress ay sinasabing parehong nagpapababa ng magnesium sa katawan. At ang pagkawala na ito ng nasabing element ay kabilang sa mga tinutukoy na nagdudulot ng pananakit ng ulo.
Sa puntong ito, makakatulong ang magnesium supplement, na maaaring ma-take orally o by injection. Hingin ang gabay ng inyong pinagkakatiwalaang doctor kung alin sa nasabing option of consumption ang tugma para sa inyong kalusugan.
Gluten sensitivity - May hindi iilan na masasabing sensitive sa gluten. Ayon sa mga health care expert, hindi naman kailangan na may celiac disease ( malalang gluten intolerance) ka para maging gluten sensitive. Para malaman kung ito ang trigger factor sa iyong migraine, puwedeng subukan na sa loob ng dalawang linggo ay huwag muna kumunsumo ng anumang pagkain na nagtataglay nito. Kapag gumanda ang iyong pakiramdam, may malaking tsansa na ito ang nagdudulot ng pananakit ng iyong ulo.
Reactive hypoglycemia - Sobrang pagkonsumo naman ito ng carbohydrates, gaya ng asukal na puti at pasta ay sinasabing maaaring makapag-trigger din ng migraine headaches. Ipinapaliwanag na ang simpleng pagkain ng carbs ay posibleng makapagpataas ng iyong blood sugar. Kapag nangyari ito, nagpo-produce ng extra insulin ang katawan mo para ma-break ang sugar, na kalaunan ay magiging sanhi naman para bumagsak ang blood sugar level mo. Ang galaw na ito ng blood sugar ang ipinapaliwanag ng mga expert na nakakapagdulot ng pananakit ng ulo. Source: www.bettermedicine.com.