“NALIGAW ako dito sa inyong panahon, na hindi kayang intindihin ng aking kaisipan, Ginoong Jake, Binibining Menchu. Pero ang malinaw, wala dito si Raymundo. Dapat kaming magkita ng aking kasintahan, sa aming sariling panahon,†nalilitong pahayag ni Clarissa.
Nananatiling nakikita ng dalawang ghost chasers ang nangungulilang multo ng magandang dalaga; invisible ito sa iba pang tao sa tabing dagat.
“Alam mo ba kung paano ka babalik sa inyong siglo, Clarissa?â€
“Ginoong Jake, nagawa kong makarating dito, magagawa ko ring makabalik sa panahon namin.â€
“Wait, Clarissa. Tama ba ang nakalagay sa aming history book—na ang mga prayle noon ay malulupit?†tanong ni Menchu.
Nalito na naman si Clarissa. “A-ang itinatanong mo, binibini, ay nagaganap pa sa bayan namin…kasangkapan nila ang mga guardia civil sa pagpigil sa karapatan ng mamamayan…â€
“Nabalitaan mo ba, bago ka namatay, ang pag-aalsa ng mga Katipunero—gaya ng nababanggit sa kasaysayan?†tanong ni Jake.
Tumango si Clarissa. “Tumpak, mayroon ngang mga Katipunero. Pero gaya ng sabi ko, ang itinuturing ninyong luma naming panahon ay ang aming kasalukuyan. Itong 2013 ninyo ay wala pa sa hinagap ng aming henerasyon.â€
Nakaunawa sina Jake at Menchu. Napakalayong future ang 2013 sa 1890s na kapanahunan ni Clarissa.
“Gusto ko palang itanong, ginoo at binibini, sa inyo bang historia ay nabanggit kung sino ang taga-igib ng tubig ng mga Katipunero…?â€
Nagkatinginan sina Jake at Menchu, parehong umiling; walang alam.
“Isa sa mga taga-igib si Raymundo, ang aking kasintahan. Lihim siyang kasapi.†Lumarawan sa mukha ni Clarissa ang pagmamalaki.
At labis ding pangungulila. “Ang usapan namin ni Raymundo, bago ako nalagutan ng hininga—siya ay hihintayin ko sa kabilang buhay. Sabay kaming aakyat sa kaharian ng Diyos.â€
Lumuha na naman ang multo. Awang-awa si Menchu. Si Jake ay nabagbag din ang damdamin.
“Babalikan ko sa aming siglo si Raymundo. Ipanalangin ninyo, mga kaibigan, na sana’y hindi ako muling maligaw…†(ITUTULOY)