NAGULUHAN si Clarissa sa tanong ng taong buhay. Kung ano raw taon sa pinanggalingan niyang bayan?
Di ba iisa lang naman ang taon sa buong mundo?
“Ginoo, pareho tayong nasa Filipinas, hindi puwedeng magkaiba ng petsa. Tayo ay nasa Taon 1896 na.â€
“What?†manghang reaksyon ni Jake. Hindi nagbibiro ang multo, alam niya. Naligaw ito sa kasalukuyang panahon.
Natauhan na ang lalaking tanging nakakita sa multo sa tabing-dagat. “S-Siya ang nagmulto, natatandaan ko ang mukha niya’t damit.â€
“Huwag po kayong mag-panic, manong. Kinakausap na po siya ng kasama ko,†sabi ni Menchu, pinapayapa ang lalaking hinimatay.
“Menchu, taga-1896 daw siya! Panahon ng Kastila at Katipunero!â€
“Manong, ano ba ang hitsura niya?†tanong ni Menchu. Sampung talampakan ang layo nila kay Jake.
“Maganda siya, mam, napakamakaluma. Napakalakas ho ng tinig kaya nagtakbuhan ang mga tao kahit hindi siya nakikita. Ako lang ho ang nakakakita sa multo niya.â€
Si Clarissa ay naguluhan. “Nabigla ka nang sabihin kong 1896, ginoo. Bakit, ibaba ang taon dito?â€
“Miss Ghost, puwede bang magpakita ka sa amin ni Menchu? Para mapaliwanagan ka namin nang husto.â€
Nagpaalam na ang manong kay Menchu. “Mam, ayoko na pong makakita ng multo. Hinihintay na ako ng nanay kong lumpo, babay po.â€
Naiwan sina Jake at Menchu sa presencia ng di-nakikitang multo.
“Jake, ano ang sabi?â€
“Menchu, nagmula nga raw siya sa Year 1896. Iinterbiyuhin ko nga, e. Pero sabi ko magpakita sa atin, para mas magkaintindihan.â€
Si Menchu ang nakiusap sa invisible ghost. “Miss Ghost, importanteng makita ka namin. Hindi kami kaaway, kami ang susi mo sa pagpanhik sa liwanag.â€
“Anong liwanag? Bakit ako papanhik…?â€
“Dahil…†Napailing si Menchu. Nakikipag-usap siya sa hangin; hindi niya nakikita ang nalilitong multo.
Bigla ang pasya ni Clarissa. Nagpakita ito sa dalawang mortal.
“N-napakaganda niya, Jake.â€
(ITUTULOY)