Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang makapal na balat ng mangosteen ay nagtataglay ng mataas na kemikal na  tinatawag na “tannin” , kaya naman ginagamit itong pampaganda at pampatibay “leather” sa Asya. Nakakapagpanatili din ito ng kulay sa tela. Ang prutas na ito na mayro­ong limang buto ay orihinal na nagmula sa Ma­ laysia. Kasing lasa nito ang pinya, strawberry  at apple. Sa mga lokal na pamilihan lang ito nabibili dahil kinakailangan itong iti­nda ng hinog dahil ito ay nabubulok kung pi­­pitasin sa puno nito ng hindi pa hinog. Ang keso naman ang isa sa pinakamatandang pag­kain na naimbento ng mga tao. Ang gatas na­man ay itinuturing na pagkain at hindi ka­bilang sa inumin. Nakarating  ang kamote sa America noong 1492 nang dumating dito si Columbus. Noong 1918 nagkaubusan ng harina sa America habang nasa kalagitnaan ng World War I, kaya naman ang kamote ang kanilang ginamit upang maitustos sa pagkain ng kanilang mga sundalo. Ipinagdiriwang sa Benton, Kentucky ang piyesta ng kamote at ito ay tinatawag nilang “Tater Day Festival”. Ito ay ipinagdiriwang ng tatlong araw sa loob ng isang taon. Ang piyestang ito ay bilang pagkilala at pagpaparangal sa kamote.

 

 

Show comments