Paano alisin ang iyong antok sa natural na paraan?
Minsan, may mga pagkakataon na kahit hindi oras ng iyong pagtulog ay inaantok ka. Ayon sa research, hindi ito healthy para sa isang tao, kung palaging inaantok lalo na sa oras ng iyong trabaho. Nagiging sanhi rin ito ng pagkapuyat dahil sa kakaidlip mo sa maghapon ay maaaring masira ang iyong tulog sa gabi. Isa sa pinakamabisang pang-alis ng antok ay pag-inom ng mga caffeinated drinks, ngunit paano naman kung hindi ka hiyang uminom ng mga ganitong uri ng inumin gaya ng kape dahil may masamang epekto ito sa iyong kalusugan? Kaya naman narito ang ilang paraan kung paano mo maaalis ang iyong antok:
Lumabas – Ilang dahilan ng pagkaantok ay ang ilaw na nagmumula sa florescent lights, computer at air conditioned. Nasisilaw kasi nito ang iyong mata at ilang minuto pa ay aantukin ka na. Bakit hindi mo subukang lumabas at maglakad o tumayo kahit 15-minuto. Anuman ang panahon sa iyong kapaligiran, kapag dinalaw ka ng antok tiyak na mawawala ito kung pasisiglahin mo ang daloy ng dugo sa iyong katawan.
Mag-ehersisyo – Bagama’t nasa loob ka ng opisina, sa oras na inantok, maaari kang mag-ehersisyo ng kaunti gaya ng pagtalon ng bahagya o pag-inat ng iyong mga buto. Dahil dito, mawawala ang iyong antok at gagaan ang iyong pakiramdam.
Gamitin ang utak – Kung wala kang pagkakataon na unatin ang iyong katawan, ang iyong utak ang iyong paganahin. Sumagot sa mga crossword puzzles o Sudoku. Kung nais ng kaunting hamon, ayain ang iyong kaibigan at makipagpagalingan dito.
Uminom ng malamig – Bakit hindi mo subukang uminom ng malamig na tubig o kaya ay calamansi juice. Ang asim na taglay ng kalamansi ang gigising sa’yo. Matapos nito ay maghilamos. Maaari rin maglagay ng yelo sa iyong baba at braso para tiyak na magising. (Itutuloy)
- Latest