^

Para Malibang

‘The Lonely Ghost (2)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

CLARISSA ang ngalan ng nagmumultong dalaga. Nabuhay siya at namatay sa panahon ng Kastila. Hinahanap niya ang kasintahang si Raymundo, sa panahong kasalukuyan.

Napakalungkot ni Clarissa, buhay niya ang pag-ibig ng kasintahan. “Bakit hindi kita matagpuan, Raymundo? Kailangang magkita tayo.”

Noong buhay pa si Clarissa, walang kapantay ang ligaya nila ni Raymundo. Kabilang silang magkasintahan sa tinatawag na illustrado; mas mataas ang ranggo kaysa mga indio.

Nakasalamuha niya ang mga kapwa illustrado, mga kaibigan at kakilala ni Rizal at mga  kasirkulo nito.

Nakarating na rin sa Europa si Clarissa, sa Paris at Germany.

Natanaw niya noon si Doktor Rizal, kasama ang mga kapwa Pilipino.

Alam din ni Clarissa na ang butihing doktor ay kumakain ng manggang hilaw at iba pang putaheng Pilipino gaya ng sinigang.

Sinasabing sa mundo ng mga ispiritu, ang panahon ay walang hangganan, timeless. Ang isandaang taon sa daigdig ay wala pang isang oras sa kabilang buhay.

Kung gayo’y walang sense of time si Claris­sa; hindi niya alam na si Raymundo ay posibleng daang taon na ring namayapa.

Kahit nangingibabaw ang lungkot ni Claris­sa, naaaliw din naman siya sa kasalukuyang panahon.

Nakikita niya ang mga imposibleng bagay na noong nabubuhay pa siya ay imahinasyon lamang; siguro’y pangarap.

Nakatingala sa langit ang malungkot na multo—takang-taka na may lumilipad na higanteng bagay na lampas pa sa ulap ang taas.

Nalaman naman niyang ito ang tinatawag na eroplano.

“Napakapantastiko. Kapag nagkita na kami ni Raymundo, ibabalita ko agad ang bagay na lumilipad.”  Sa isip lang naman ito sinasabi ni Clarissa.

At hindi pa siya nagpapakita sa sandaling ito;  hindi namamalayan ng mga tao ang kanyang multo. 

Pero kailangan niyang magtanong, kailangang magpakita. “Mawalang galang na po, Inang. Ako po ba ay nasa Filipinas pa?”

Hinimatay ang tinanong, nabitiwan ang basket ng tindang balut. (ITUTULOY)

 

 

 

 

Artist’s Guide: Ipakita ang ghost ni Clarissa, suot-Maria Clara, anyong takang-taka na nakatingala-nakatanaw sa eroplanong nasa himpapawid, flying in the sky. Spirit form si Clarissa, HINDI nakikita ng tindera ng balut nearby.  Kanto sa city sa kasalukuyang panahon. Lagyan ng SELF-BALLOON ang ghost na ganito: NAKALILIPAD NA BAGAY! PAMBIHIRA!

 

 

 

 

               

 

ALAM

CLARIS

CLARISSA

DOKTOR RIZAL

MARIA CLARA

PILIPINO

RAYMUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with