‘The lonely ghost’ (1)
“RAYMUNDO, bakit wala ka? Ulilang-ulila na ang puso ko…â€
Napaigtad ang barkadang teenagers sa public park sa lunsod. Dinig nila ang napakalungkot na tinig ng babae.
“Sino ‘yon?†tanong ng teen miss sa teen boyfriend; ganoon din ang tanungan ng iba pang kabarkada.
“Hanggang kailan ako maghahanap, mahal?â€
Kinilabutan ang mga ito. Natitiyak nilang nasa tabi lang ang babaing may-ari ng tinig, pero bakit hindi nila makita?
“Naku, ha, may gumigimik ba? May ventriloquist ba around?†Ventriloquist ang taong nakapagbabato ng tinig mula sa di-kalayuan.
Wala naman silang makitang suspect, na posibleng pinagmulan ng napakalungkot na tinig.
“Mga kababayan, naligaw ba rito si Raymundo? Kasintahan ko po siya, na kinuha ng mga prayle.â€
“EEEEEE! AAAHHHH!’ Tilian-sigawan na ang barkada. Nakita nila ang unti-unting paglitaw ng nagsalita-- multong maganda, suot-Maria Clara; kilabot na kilabot ang apat na kabataan, nagtakbuhan.
Napapatanga sa kanila ang iba pang namamasÂyal na wala namang alam sa nangyari.
Malayo na sa parke ang apat na teenager. Hingal-kabayo ang mga ito. Takot na takot.
“Walanghiyang multo ‘yon, tayo pa ang napagtripang takutin…â€
“Tunay na may nagmulto, di ba, mga bro?†pagklaro ng magandang teenager. “Hindi lang tayo nag-ilusyon, right?â€
“Claire, it’s really true! Minulto tayo!â€
`“Ang kapansin-pansin…makaluma siyang managalog. Kasintahan pa ang uso sa kanya, guys!’ “Circa Maria Clara ang suot. At may binanggit na prayle! Imagine!â€
“Di ba sa panahon pa ni Rizal ‘yon? I read it sa ‘Noli’ at ‘Fili’ niya.â€
Napalunok ang apat na kabataan. Tama bang isipin nilang ang babaing nagmulto ay mula pa sa panahon ng mga Kastila? Bago pa man maghimagsik ang mga Katipunero?
TAMA ang barkadang kabataan. Ang malungkot na multo ay nabuhay noong panahon nina Rizal. (ITUTULOY)
- Latest