ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na ang mga babaeng nagsusuot ng red at pink ay tatlong beses ang posibilidad na siya ay “fertile†kumpara sa ibang babae na nagsusuot ng ibang kulay? Sa University of British Columbia, pinag-aralan ang 124 mga kababaihan na nasa edad 18-47 at tinanong sila kung kailan ang kanilang huling period. Matapos na kuwentahin ang mga araw na sila ay fertile, nadiskubre na sa mga panahong ito ay mahilig silang magsuot ng kulay pula at pink. Ito ay dahil feeling sexy ang babae kapag siya ay nasa kanyang fertile period at nais na makakuha ng atensiyon. Lumabas pa rin sa research na kapag nag-o-ovulate ang mga babae ay gustung-gusto nitong bumili ng mga seksing damit dahil tumataas din ang kanilang pagnanasa na makipag-sex.
- Latest