Ang tinutukoy na “kati†dito ay biglaang pagkati ng isang parte ng katawan nang walang dahilan.
Ulo—good luck; Kaliwang tenga o pisngi—may pumupuri sa iyo; Kanang tenga o pisngi—may naninira sa iyo o nagbibintang; Kaliwang mata—gulo o kabiguan; Kanang mata—may makikilala kang opposite sex; Loob ng ilong—bad luck; Labas ng ilong—kaguluhan o away; Bibig—may mang-iinsulto sa iyo o ikaw ang mang-iinsulto; Baba—may darating pera; Leeg—magkakasakit ka; Batok—kabiguan; Kaliwang balikat—kalungkutan; Kanang balikat—may tatanggaping mana; Kaliwang siko—masamang balita; Kanang siko—magandang balita
Kaliwang palad o kaliwang bukong-bukong (ankle)—may pagkakagastusan; Kanang palad o kanang bukong-bukong—magkakapera; Balakang—maglalakbay; Kaliwang tuhod—pag-aaksaya ng oras o pakikipagtsismisan; Kanang tuhod—magandang balita; Kaliwang paa—walang kuwentang paglalakbay; Kanang paa—tagumpay at kapakipakinabang na paglalakbay.