MAS PINILI ng mga nagrereklamong empleyado ng ospital ang magsibalik sa trabaho kaysa unahin ang takot sa masasamang ispiritu.
“Basta kapag susulpot uli, takbo agad tayo sa krus sa chapel natin! Iyon lang ang epektibong pangontra sa kanila,†sabi ng security guard.
Sumang-ayon naman ang kusinera at dalawang attendant. Iyon din ang ipapayo nila sa mga karelyebo—tiisin ang takot.
NAG-UUSAP nang seryosohan sina Dr. Robles at Dr. Medina. Isyu ang panliligalig ng bad spirits. “Hindi pupuwede ang ganito, baka mapilitang magsara ang Hope Hospital, Dr. Medina.â€.
“Iyan po mismo ang hinihintay mangyari ni Doktor Clindaco.â€
“Ha? Si Dr. Clindaco na dating direktor at may-ari nitong ospital?â€
Tumango si Dr. Medina. “Napag-alaman ko ho, galit na galit si Dr. Clindaco na naging parang charity hospital ang Hope. Bago siya namatay pinangarap niyang gawing hospital for the rich ang ospital. Meron na siyang prospective co-investors. Kaso naunahan siya ng kamatayan…â€
Napalunok si Dr. Robles. “Are you telling me na ang kaluluwa ni Dr. Clindaco ay…hindi nakadiretso sa Langit?â€
“Tama po kayo, doc. In fact, kinalaban na niya ang Diyos. Siya na ang namumuno sa masasamang ispiritung nanliligalig sa ospital na ‘to.â€
Napa-sign of the cross si Dr. Robles. “My God, Dr. Medina, ano ang gagawin natin? Iisa ang krusipihong kinatatakutan nila dito…wala silang gagawin kundi iwasan ang krus, sa ibang bahagi ng ospital manliligalig…â€
Napailing din si Dr. Medina. “Ako nga hong mabait na multo effective lamang kapag buhat ko ang banal na krusipiho. Hirap na hirap naman ako sa pagbuhat…para po akong ulit-ulit na pinapatay.â€
Hangos na nag-report ang security guard, namumutla sa takot. “Dr. Robles, n-nando’n p-po s-sila sa itaas!â€
Nais nang mabaliw ni Dr. Robles sa nakita sa tuktok ng ospital. “Diyos na mahabagin…†(DALAWANG LABAS)