MAS MATINÂDING takot ang ibinunga ng paglitaw at pamiminsala ng masasamang ispiritu sa Hope Hospital. Naliligalig ang iilan na lang tauhan. Ang mga pasyenteng nagtitipid ay nais na rin yatang magsialis.
Nasa labas ng building ang mga tauhan, hindi pa makaÂbawi sa takot.
“Doktor Robles, kumuha pa ho tayo ng magagaling na alagad ng Diyos! Baka po kulang sa bendisyon ang ospital!†sigaw ng tauhan.
“Ilang beses nang nabendisyunan ang Hope,†salag ni Doktor Robles.
Nasa tabi ng matandang doktor ang multo ni Dr. Medina, pero hindi ito nakikita ng mga tauhan. Ayaw nitong pangunahan si Dr. Robles.
“Siguro po’y hindi sincere ang mga nagtataboy, Dok! Kaya hindi natatakot magpabalik-balik ang bad spirits!â€
“Paano naman po ang hanapbuhay namin, Dr. Robles? Nagtitiis kami ng takot hangga’t kaya namin! Pero ganito hong nagpapakita na ang mga multong may matatalim na sandata--delikado na ho tayo!â€
Pinahinahon ng matandang doktor ang mga tauhan. Ikinuwento kung paanong naglaho at natakot ang bad spirits sa krusipihong nasa chapel ng ospital. “Hindi pa tayo helpless, mga kasama! May bisa ang ating krus!â€
“Pero hindi po nakakarating ang power ng krus sa ibang bahagi ng ospital, Dok! Kaya nga po nakapanakot nang husto sa ibang sections ng ospital, kasi’y wala doon ang krus!†Lahat ng anggulo ay nasisilip ng mga nagrereklamong tauhan.
Tahimik lamang ang mabait na multo ni Dr. Medina. “Mga kasama, ano ba ang maipapayo ko sa inyo? Libreng mag-resign ang hindi na makatiis! Kahit pa nga lalong magiging kawawa ang mga pasyenteng nasa ating poder! You are the captains of your ships!â€
Halatang napipikon na ang matandang doktor, napapatingin sa multo ni Dr. Medina, napapailing.
Natigilan ang nagrereklamong mga tauhan ng Hope.
Ano nga ba ang mas matimbang—unahin ang takot sa multo o pahalagahan ang trabahong nagbibigay ng suweldo?
Tahimik na nagsibalik na sa gawain ang mga tauhan. Mas importante sa kanila ang hanapbuhay. (TATLONG LABAS)